Sa dinami-dami, di mo alam kung saan ka sasali, di mo alam kung ano ang totoo, di ka makapagdesisyon dahil ang asawa mo ay nasa isang MLM at ang anak mo naman ay nasali na sa isa na namang MLM... di mo alam kung ano ba ang magandang salihan?
Ngunit paano kung ikaw ay hindi naman mahilig sa mga ganyan at wala kang interes sa negosyo?
Bagamat magandang alternatibo ang pagnenetworking kaysa sa walang habas na pagtatrabaho sa maliit na halaga at sa di kayang sobrang laki ng kailangang puhunan sa negosyo ay hindi ito nangangahulugan na maganda paring sumali dito lalo pat sa paglipas ng mga panahon ay unti-unting nagagamit ang networking sa mga iligalidad.