Thursday, February 20, 2014

Ano ba ang MLM? diretsahan na.

Dahil sa hilig kong magsearch ng mga blog, nakita ko ang blog ni Jermaine Espidol kung saan pinapaliwanag niya ang diretsehang eksplenasyon sa mga tanong ng tao tungkol sa MLM o NETWORK MARKETING.

What is Network Marketing (MLM)? Ang Diretsong Sagot na Hinahanap Mo!

Sa blog post ko na ito ide-define ko ang basic definition ng tanong na "Ano nga ba ang Networking?" Sasabihin ko rin ang mga benefits partly ng pagiging isang distributor ng isang Networking CompanyMLM stands for Multi-Level Marketing. Ibang term na ginagamit dito ay Network MarketingNetworking o kaya naman ay referral marketing. Ano nga ba ang Network Marketing? Ang Network Marketing ay isang paraan para magkaroon ka ng sariling Home Based business without a large upfront investment o malaking puhunan. Napakagandang sistema nito at napakadali para makasali ang kahit na sino.


Ang pagkakaroon ng maliit na puhunan para makasali sa Networking ay napakalaking advantage para sa karamihan, pero unfortunately ito rin ang nagiging dahilan nila para hindi pagbutihing gawin ang pinasok nilang negosyo para mag-succeed. Kadalasan ay 2 to 3 months pa lang ay nagfe-fail na ang karamihan at sinisisi ang Networking Marketing Industry o kaya naman ay ang MLM company na kanilang sinalihan.



So ano nga ba ang Network Marketing (MLM)?

Ang MLM ay isang distribution system or form of marketing  kung saan ang pagdi-distribute ng mga products or services na galing sa Manufacturer papunta sa mga consumer ay sa pamamagitan ng "network" ng mga independent distributors. Napakagandang sistema nito kung saan hindi na dumadaan sa "middle man" ang pagbili ng mga produkto.

Sa halip na dumaan pa sa mahal at mahabang proseso ang mga products (manufacturer->wholesaler->warehouse->retailer-via advertising) ay diretso na ito sa mga consumer sa tulong ng mga Independent Distributors. Ang advertising at retailing budgets ay ibinabayad na lang sa mga independent distributors who "spread the word" at ang natirang budget ay ginagamit sa research at development ng mga products. So ang mga produktong ito ay kadalasang mas higher quality kaysa sa mga standard retail brands.

Kapag sumali at nag-sign-up ka sa isang MLM company para maging isang Independent Distributor, hindi ka nila kinuha para maging isang empleyado kundi para maging isangrepresentativeconsultant o business owner. Pwede mong gawin ang negosyo sa bahay ng walang malaking puhunan o franchise fee, walang office space, walang  warehouse or malaking inventory, walang bills gaya ng kuryente at tubig o pagwo-worry sa pagkakaroon ng mga empleyado. At higit sa lahat, ang MLM company mo ay magbe-benefit sa iyong success, the more successful you are the more successful the company will be. Kaya naman ang best interest ng company ay mabigyan ka ng mga sapat na training at suporta para mapatakbo mo ng maayos ang iyong networking business, at bigyan ka ng magandang compensation plan at malalaking commissions para sa iyong mga efforts.

Ang MLM ay isang fair method of distribution. Ito ay isang scalable business kung saan ang lahat ay nagbe-benefit sa kani-kanilang effort at sa pagtuturo sa iba kung paano gawin at kumita sa Network Marketing Business. Most companies around the world ay gumagastos ng bilyon bilyon sa advertising at retailing ng kanilang mga products. Sa isang MLM business, ang budget para sa advertising at retailing ay ibinabayad na lang sa mga taong "nagshe-share" ng business. I hope na medyo naliwanagan na kayo. :D

I hope nabasa niyo at natuto ng lubos kung ano nga ba ang MLM o NETWORK MARKETING or SIMPLY NETWORKING.

From the original blog  http://www.jermaineespidol.com/2014/01/what-is-network-marketing-mlm-ang.html.

No comments:

Post a Comment